Recuerdos de Amor

Recuerdos de Amor 05: 3.1

3.1

Sa tagal namin ni 3, iyon ang first time namin na-long distance. Nakakapagod pala. Salute to all long distance relationshippers. Umaga sakin, gabi sa kanya. At dahil nga, maarte ako, inisip ko na because I was the one abroad, dapat siya yong mag extra effort to communicate.

Lage kami di magpang-abot sa skype. Pagnag-uusap naman kami, lage nalang ako yong nagsasalita. That time, may family problem siya so I was expecting him to talk more. Pagtinatanong ko naman, sobrang ikli yong sagot. Bumalik ang feeling na di niya talaga ako kailangan sa buhay niya. It was the worst feeling. Girlfriend ka nga, wala ka namang alam sa pinagdadaanan niya. Anong silbi mo?

The distance took a toll. Ang mga mumunting problema, lumalaki. Sa bawat iyak ko’t agam-agam, si 3.1 ang nandiyan. Nagpapatawa. Nagpapakilig. Pumapayo. I never planned to fall. Matagal na akong tumigil sa kapaplano. Isang araw nagising nalang ako, hindi na si 3 ang nasa isip ko.

Natakot ako kasi ganitong-ganito rin ang nangyari sa amin ni 2 nuon. May problema di ko hinarap kasi nariyan si 2.1. Pinabayaan ko siyang mahumaling sa iba. Of course, si 2 naman ang obvious na may iba so absuwelto ako. Pero yong totoo?

It was not all 2’s fault. At feeling ko, patungo na kami ni 3 dito. Pinabayaan ko na din. I’ve suffered once, ayoko ng magsuffer twice so I give in. Sa isip ko, kung wala akong gagawin, baka added na naman to sa mga wonder list ko. You only live once kaya todohin mo na. No regrets!

It was short – 3.1 & I. Minsan nabubukol ako sa mga sabi-sabi. Minsan naiisip ko pa rin kung ano talaga yong namagitan samin. Was it just because I was lonely? Or totoo talaga? Ewan, ayoko ng i-dig yon. Kukunti lang ang may alam kay 3.1. Pahapyaw din lang ang ang stories na alam ng konti, si 3 lang ang may alam sa lahat-lahat.

Yes, si 3. He knew everything. Mula ula hanggang paa ng storya. Si 3 na sa kagagahan ko iniwan ko sa ere. Si 3 na walang malay. Si 3 na walang ibang weakness kundi pabayaan akong gawin ang lahat ng gusto ko. Si 3 na sa kabila ng kaartehan at kadramahan ko sa buhay, hindi ako iniwan sa ere ni minsan.

Then it was time for the dream to end. Umuwi ako ng Pilipinas. I never wanted to see 3 again, may 3.1 na ako non. I promised 3.1 to try to keep us. But I wasn’t prepared for 3’s plan.

Sino ba naman ang tangang maghahabol sa ginawa ko. I expected 3 to hate me because I hated myself. Seguro nga may mga tao lang din na sobrang taas ang pasensiya at ang kabaitan parang Santo na. 3 kept on pursuing me. At ako pa ang maarte ha. Ako na nga yong may sala. Paulit-ulit ko siyang sinaktan at pinapaalala kung gaano kalaki ang nagawa ko. Still he wouldn’t budge.

“Kung natatakot ka na hindi ka na makakakita ng ibang girlfriend, tutulungan kita. Just please let me go.” Umiiyak si 3 non. Nagmamakaawang balikan ko siya. Pero kami na ni 3.1. Sinara ko na ang pahina ni 3 sa buhay ko.

Every day, tumatawag si 3.1 asking about 3. Gaya ng ginagawa ko kay 3, sinasabi ko ang lahat. Nagalit si 3.1. Pinagbibintangan akong ini-entertain ko pa rin si 3. Doon ako medyo natauhan. 3 was never jealous. Hindi siya possessive. When 3.1 lashed at me, I remembered 2 in him. Natakot ako.

Si 3.1 ba talaga ang mahal ko or bored lang talaga ako sa nangyayari sa amin ni 3 but siya pa rin ang mahal ko? I was torn. I always loved singing “Torn Between Two Lovers”, sa mga panahong yon, feel na feel ko talaga ang kanta.

Nagmamakaawa na rin si 3.1 na siya ang piliin ko. Pinili ko na siya. Pero masakit sa dibdib ang nakikitang nasasaktan si 3. Lumipas ang mga araw. Pabalik-balik ang mga pangyayari. Nagugulahan ako. Di makapili.

And then it happened. 3.1 let me go. Masakit but I cannot do it myself. When I was finally free from 3.1, 3 was there. He was still the same, holding out his hand ready to embrace me. I felt like the prodigal son and he was the father. He never spoke a word.

That time, ang haba talaga ng hair ko. 3 & 3.1 were both nice and dreamlike. Kaya lang isa lang ang puso ko. Did I have regrets with 3.1? Wala. Masakit na sinaktan ko si 3 but I never have regrets. Things happened for a reason. Masakit man ang nangyari, masaya pa rin ‘cause 3.1 made 3 & I realized what we have is for keeps.

So ano talaga si 3.1? He was now part of my lesson learned list. I have never been comfortable talking about my .1s because honestly, made me feel bad about myself. Cheaters don’t deserve to have happy endings right? In our society, cheaters deserve to suffer. But sadly, I don’t feel like I’m a cheater at all. It’s just me.

Up next let’s backtrack to 2.1!

Advertisements

7 thoughts on “Recuerdos de Amor 05: 3.1”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s